and stories from a stout college girl…

How can I start to blog? How to be a successful blogger?

For those who are asking the same question, here’s my simple reply. Hope this one helps!

starting a blog(Sorry for the grammar errors. :D)

 

Stepping Outside, Reaching New Heights (A Writer’s Journey)

Photo Credit: renewableenergyworld.com

One of the greatest things humans can do is dream. We all have our dreams and most of us work really hard to reach them. In my case, they are coming slowly into my hands. Well, I’ve achieved many of them already despite my young age. I know how blessed and lucky I am.

Obviously, I am a blogger/writer. Everyone I know knows that I write and they know I am very passionate about it. Before, I was desperate and not confident that leads me to bash things (and even people). I hated the new system, you know, the kind of literature that we have today. I hated it because I was not a part of it only to realize that the kind of thing I wanted to write is different and my works won’t fit the new system.

Even from the start, writers in the country are aware that the business of publishing is a difficult world to get in. Some writers miraculously got in by writing cliches, light-themed stories with re-made scenes from K-dramas, tv shows and movies and still hit the bestsellers list. Amazing, isn’t it?

I figured out, that is their world so there’s no point in touching them. There’s no point in attacking the new publishing scheme. There’s no point in criticizing the trend because a trend, whatever state it’s in is a trend.

On the other side, the trend continues, the scheme will go on and more and more writers come out in the open. Writers are open to what they are now and it’s a good thing. More and more talented pen warriors are coming out of their shell to give a taste of their weapons – words.

But then, many writers still get disheartened because the basis for a possible best seller is a million reads online. For a novice, young one, having a lot of readers is difficult. Not everyone can pull out the “fame” thing so easily. Not all writers are famous, and those who aren’t are less likely to be published in this new scheme. And I was a part of that population. But lately I realized that no matter how I get discouraged because I can’t get in, I should not stop writing.

Front cover

Front cover

Why should I stop? Because I am not famous? Jeez, that fame. It’s not the basis for a writer’s greatness. I may not be as talented and as great as others but I learned the hard way that writing is not about enormous fan base and high readership stats. Rather it is about spilling your soul into the pages and touching another soul. It’s one thing I think I am doing best using my blog.

That’s the kind of literature that I wanted to write, a literature with soul. Someday, I swear I’ll do them smoothly and I’ll continue blogging to spread good words. :D

I also figured out that in this crazy world, we all need that little “push”. Sometimes, the push needs to come from ourselves. I just pushed myself to do one crazy thing – to self-publish.

I am pleased to announce that one of the first Blog Seryes from Definitely Filipino Blog is going to be a published book soon! Remember that high school first love story My Firsts With Him? Yes, you’ve read right. The author got balls to self-publish that story. ^_^

Self-publishing is so stepping outside. It’s so out of my comfort zone but I love being in here. I got inspired to do this because someone else did (and they’re successful) and it just “pushed” me. I am hoping that because I did, someone else will too. You know, the continuity of inspiring others.

For reservations of the book, please feel free to contact me or fill up the reservation form: https://docs.google.com/forms/d/18kpw1fOMGrgH83IYSKxM9Il_qYb86n6RliN8jrWeIZY/viewform.

Thank you very much and God bless!

ememalberts

6/21/2014 8:13 PM

Pilipinas, Ano na?

1. Pahirapan sumakay sa umaga dahil hindi bumiyahe ang mga colorum
2. Traffic along Aguinaldo High way dahil sa bahay ni Revilla
3. Nakakita ng litrato ng isang babaeng halos hubad na, tinakip ang watawat ng Pilipinas sa kanyang katawan.
4. May aftershock padin sa akin ‘yung house bill tungkol sa mga nagho-hoard ng barya.

Napag-usapan namin ni Mama kanina ‘yung kay Napoles na nag-ugat sa mahal na piyansa para sa mga colorum. Tapos, pumasok sa eksena ang pork barrel kasi kung tutuusin ang hirap na magbabayad ka ng malaking halaga, tapos ibubulsa lang ng mga politician ano po? Lalong mahirap kumayod sabay ibubulsa lang ng kung sino ang pinaghirapan mo.

Pilipinas, ano nang nangyari sa ‘yo?

 

Minsan nga’y gagawan na kita ng nobela.

 

6/19/2014

ANNOUNCEMENT: My Firsts With Him Book

Front cover

Front cover

Hello guys!

I will be self-publishing this story- My Firsts With Him. Wala pa akong release date ng book pero nagsimula na ang printing niya.

Here’s the Book Blurb:

“First time ni Colleen sa isang inter-school quiz bee. First time din niyang umibig.

Tatahi-tahimik si Colleen mula noong lumipat siya sa St. Claire Academy ngayong 3rd year high school. Tinatago niyang may crush siya kay Arvin at mas tumitindi ang paghanga kahit misteryoso ang dating nito.

Nagkasama ang dalawa para sa isang inter-school quiz bee. Naging magkaibigan nga kaso may girlfriend na si Arvin. Noong napagtanto ni Colleen na wala na siyang pag-asa, biglang nagparamdam ang isang secret admirer. Sabay dating ni Dan, ang malaking kabaliktaran ni Arvin na siguradong kukuha ng attensyon niya.

Nag-iisang tao lang ang tinitibok ng puso ni Colleen ngunit paano niya ito mapakikinggan kung mas bumubuo ng ingay ang paparating na National quiz bee, lumalabong relasyon niya kay Dan at gumugulong pagkakaibigan nila ni Arvin?

Higit sa lahat, handa ba siyang harapin kung sino ang secret admirer niya?”

What will you get if you’ll buy the book?

Back cover

Back cover


1. Edited and better version of the story – May mga minor inconsitent and illogical details pa akong binago tapos dumaan na sa matinding editing ang manuscript kaya expect a better reading experience. Wala akong dinagdag o binawas. 

2. Bookmark – My friend(the one who made the cover, Francis Gomez) and I are working on a good bookmark design. You’ll get the bookmark for free!

3. Personal Letter for you- Madaming tao akong gustong pasalamatan at naniniwala akong it’s best to do it with letters(madrama ako eh, lol). Kapag pina-ship ko ‘yung book, sasamahan ko ‘yun ng letter of thanks, handwritten with love by me. 

Comment or message me kung gusto n’yong magpa-reserve ng copy or accomplish the reservation form. We’ll talk about the payment and shipping matters in private. Nakahanap na ako ng courier na sasagot ng madalas na problema ng online buyers at online sellers. In this case, kayo(kung kukuha kayo ng copy) at ako(na bibilhan n’yo ng copy).

I am planning to use Cliqnship, mayroon silang service na puwedeng bayaran yung package at shipping fee kapag na-receive n’yo na yung book. Wala nang hassle pumila sa banko o magbayad gamit ang Cebuana Lhuiller/Western Union. I will be available if you have concerns. 

Another thing: I won’t remove the story from Wattpad or any other sites. Kaso, unedited version po iyan. Hehe.

The book’s price is P250+shipping fee(depending on your area). We can meet-up if you want kaso kaunting places lang kaya ng powers ko like Mall of Asia. 

Maraming Salamat po and God bless! ^_^

Love Writing? Start Blogging!

Writer ang tawag ko sa sarili ko. Sabi kasi ng isang kaibigan ko, there’s no such thing as a “real writer” so if you want to be one, belive you are one and act as one.

Before I started blogging, nagsimula ako sa Wattpad. Reading E-books is not my cup of tea kaya hindi ako ganoon ka-active doon. Isa pa, hindi ko gaanong nagustuhan ang style of writing noong mga panahong iyon(so many spaces and updates full of emoticons). Noon ding mga panahong iyon, parang tinanggap ko nang hindi Wattpad ang spotlight ko as a writer.

Naghanap ako ng website aside from Wattpad that I can be a part of until I came along Definitely Filipino Blog’s Homepage. Binasa ko ang submission guidelines, sakto dahil open sila for everyone. Pinag-aralan ko ang iba’t ibang blog article until I came up with one of my own. Pinasa ko, pumasa sa standards nila at na-publish. Boom, blogger na ako!

Noon, ang tingin ko sa isang blog ay online diary. Hindi lang pala ito online diary, puwede itong maglaman ng iyong mga muni-muni at mga kuro-kuro sa paligid. Kung isa kang writer na gustong magsulat, maari mong simulan ang pagba-blog.

Bakit ako nagba-blog? At bakit ka rin gagawa ng blog?

  1. It can be your starting point.

Kung isa kang taong nangangarap magsulat, puwedeng-puwedeng umpisahan mo sa blogging. Hindi tulad ng short story, nobela, essay wala itong gaanong rules. I-share mo ang gusto mong i-share, basta huwag lang makakasakit sa kapwa. Puwede nating pag-usapan ang kahit ano pa(gobyerno, libro o kahit buhok mo sa kili-kili). Malaya kang pumili ng topic na gusto mong talakayin.

  1. It fuels the fire of my passion.

Passion ko ang writing at habang nagba-blog ako, I feel so alive.

  1. Writing/Blogging can be therapeutic or cathartic.

Nakakaloka ang isang buhay na puno ng pagsubok(ang drama ko, haha), writing and blogging keeps me sane. Seryoso, kapag punong-puno na ako sa mga kung anek-anek ng buhay, nagba-blog ako. Everytime after I write, I feel better.

Dahil nagsimula ako noong 16 years old palang ako, blogging became my playground of thoughts and emotions. Whenever I feel confused, lonely and lost, I write about it and people(mostly older ones) gives me words of wisdom. Awesome, right?

  1. You’ll meet people online and possibly, new friends.

I’m glad and proud to be a part of Definitely Filipino Bloggers International. Iyon ang group of blogger/writers na binuo ni Mommy Joyce. :D

Dahil sa blogging, nakilala ko sila Mommy Joyce at ang mga ate at kuya ko sa DFBI. Bukod sa DFBI, nakaka-interact ko ang mga nagco-comment sa blog ko. Minsan, magkakaiba kayo ng opinyon, minsan magkakasundo kayo. Masarap sa pakiramdam ‘yung tipong may nakaka-relate sa blog mo tapos nagco-comment sila. Blogging can be a way to meet new people, when I say people, different kinds of people.

  1. You’re now a writer!

Whatever kind of blog you want to start, of course it will incorporate texts so technically speaking, you are writing. When you’re writing, you’re a writer!

Now that you’re a writer, the power to spread good news is in your hands. You have now the power to inspire and spark change in other people’s lives. :D

Kaso, paano kung walang magbasa ng blog ko?

Hindi ko guarantee ang madaming reads at mataas na readership unless pang-mainstream ang topic mo. Ganito lang naman kasi iyan, if you want reads – write things that the mainstream media demands.  If you simply want to write, write it out but don’t expect a lot of reads. Don’t expect too much views/reads, nakaka-frustrate iyan.

For starters, reads and a lot of traffic will not define you as a writer/blogger. Hindi iyan importante. Hindi mo kailangang i-please lahat ng readers. Writing what you want to write is enough. In my case, mababa ang readership ko pero masaya ako. Masaya na ako sa small populationna nakakaintidi,nagmamahal at nakaka-appreciate ng laman ng mga blog ko.

So that’s it, you can be a blogger/writer.

Do it, own it.

10 Things I Don’t Like to See in Romance Novels

Photo Credit: thesmallnerd.wordpress.com

I am a hopeless romantic. I love reading Romance. Madami na akong nabasa, maaring nabasa mo na rin o hindi pa. Dahil dito, nagkaroon na ako ng set of standards at habang tumatagal, hindi na ako agad-agad nasa-satisfy ng mga Romance Novels na bigla-bigla nalang sumusulpot.

From my personal taste, heto ang mga ayaw kong nakikita(na ayaw na rin makita ng karamihan):

  1. Overused and copied taglines – Halimbawa ay ang “Three Words, Eight Letters”(una ko itong narinig mula sa Gossip Girl ng Chair love team, nagamit na rin ito ng isang sikat ng Wattpad story), “There was never an us.”(utang na loob, gasgas na ang linyang ito) at ang “Okay” from the Fault in Our Stars.

Kung mangongopya ay lagyan naman sana ng twist. Lagyan ito ng kulay with the writer’s touch. Huwag iyong masyadong halatang ginaya at kinopya. Puwede rin  namang magbigay ng kaunting credit sa pinagkopyahan. Basta, huwag masyadong halata.

  1. Characters betraying their description – May nabasa akong Student Council president acting like a heartless monster to students he doesn’t like. Gawain ba ‘yun ng isang Student Council President(take note, College na siya ha)?

Ayaw ko ng mga character na ganito-ganyan pero hindi kumikilos na parang ganito-ganyan. Nawawalan ng sense ang story kung iyong mga character palang, hindi realistic sa description nila.

  1. Teenage angst, too much of it – Alam kong maraming romance stories na may issue ang characters sa sarili nila, pero ayaw kong nakakabasa ng sobra tipong nagiging nakakairita na. Ayaw ko iyong pakiramdam na pinagtitiyagaan ko nalang ang parade of insecurities ng heroine/hero. May nabasa na akong ganito, nakakagulat pa nga kasi sikat at naging pelikula ang mga libro ng series na ito.
  1. Characters acting not according to their age, unless they are really childish and their actions fall inside the logic of the story. From the same guy in number 2, all through out the story he acts like a whining five year old(and take note again, he’s in College!). Na-turn off ako sa story dahil doon, nagustuhan ko lang dahil sa light and comedy factor ng akda.
  1. Scenes from famous movies and tv shows – Unless, gusto mo ng magandang scene re-make at pasok sa banga, puwedeng-puwede pero kung walang impact, never mind. Ayaw ko rin ng halatang-halatang ginaya, as much as possible ayaw kong nasasabing “Napanuod/Nakita ko na ito eh, saan nga ba?”
  2. Sugar coated lines without impact – Ito iyong pagkabasa mo ng banat ng boy o girl eh napapa-“Nye” ka nalang.
  1. Emotional scenes feeling bleh – Parang iyong nasa number 6 lang, siguro medyo kinulang ng power ang writing. May mga libro na naiiyak na sana ako pero hindi natuloy. Sayang!
  2. Over-used conflicts – Boring ang over-used conflicts unless may kakaibang paraan ang writer para mahulog ako sa akda niya.

Kapag usapang cliché, madami nang cliché na libro. Nagkakaiba-iba lang sila dahil sa skill ng author. Nasa kapangyarihan ng writer kung magiging maganda o hindi ang istorya, cliché man ito o hindi.

9. Too much Korean/American/Foreign feel – Pilipino ka, alam mo kung paano gumalaw ang isang Pilipino sa kung anong set-up ng akda mo. Ayaw ko ng masyadong Korean feel, tipong halos hindi na nag-Filipino ang mga character. Ayaw ko rin ng masyadong liberated ang characters na akala mo mga American teenagers kung makipaglaplapan. Hindi ganoon ang Pinoy na kilala ko. Madaming real-life couples na may respeto sa mga sarili nila, sa kultura ng pamilya at bansa nila. Sana ang manunulat din.

10. Walang ibang bukambibig kung ‘di love life. – Based from reality, hindi love life ang nasa isip ng isang tao 24/7. Kung ganito ang character, sarap itapon ng libro. Alam kong Romance ang genre pero love life lang ba ng nagpapaikot ng mundo nila?

Ang lahat ng iyan ay ayon sa point-of-view ko bilang reader o mambabasa. Bilang baguhang romance writer, hirap akong iwasan ang mga ito. This list is according to my taste. Hindi ko lang alam sa iba dahil may mga kilala akong mas mataas pa ang standards kaysa sa akin.

Kayo, ano ang ayaw n’yong makita sa isang Romance Novel?

ememalberts

6/9/2014 11:38 PM

Hey, Dear.

I regret saying harsh words to some Wattpad stories and I regret that I misjudged most of them. I regret that I continued criticizing the mainstream publishing scheme. I regret every wrong thing I said before, even bashing(they call it bashing) a famous Wattpad writer and I really regret that I created a mess inside a group of online writers. I regret everything really. And I know, my mistakes are serving me enough(misery).

But I am not ashamed that I still hold on to the dream of a better breed of literary works, mine included.

(sorry for the grammatical errors)


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 406 other followers