
Photo Credit: Wattpad, krysta3434
Author: ememalberts, published 2012/12/24 in Definitely Filipino Blog
Warning: Pawang opinion lamang po ito. Makikita niyo ang napakaraming issue ng may-akda sa buhay niya. Pagpasensyahan n’yo na po. May oras pa kayo para lumipat sa ibang article. ^_^
Peace sa Wattpad readers and writers. Hindi ko nais manira ng kung sinuman. Hindi ako seasoned Wattpad reader dahil maarte ang lola. Magbabasa lang ako ‘dun kapag talagang gusto ko ang story (kaya siguro wala akong reader doon, haha). Tsaka malalaman n’yo rin ‘yung ibang dahilan ko kung bakit bihira na akong magbasa doon. ^_^
Na-inspire ako gawin ito noong nabasa ko ‘yung Five Common Mistakes of Wattpad Writers ni author TrinieRomualde. Kaawa-awa ako sa Wattpad at wala akong readers doon(share ko lang, kahit nakakahiya). ^_^
Paulit-ulit ko na ‘yang sinabi sa mga nauna kong articles kaya binuhos ko ang oras ko sa pagba-blog. Nadiskubre ko na I can do more with blogs containing beautiful content, contents beautiful as me (joke lang ito, kokontra ka pa eh).
Eto ang mga bagay na na-notice ko sa Wattpad, at ‘yung unang lima ay nakarelate ako kaya irerepost ko dito.
So eto na talaga(ang kulit ko po ‘no? hehe), una kong imemention ko muna ang Five mistakes ayon kay author TrinieRomualde…
1. Gamit ng “raw”, “daw”, “rin” at “din” at mga katulad na salita.
Aaminin ko, kamalian ko rin ito kadalasan. Paalala ko lang, ang “raw” at “rin” ay ginagamit kapag ang salita bago mag “raw” o “rin” ay nagtatapos sa isang patinig(vowel) o kaya ay malapatinig na Y at W.
Halimbawa(ex-sampal):
Ang mga baka raw ay marunong tumambling.
Hindi lang kayo ang lalamon, kami rin!
Ang “daw” at “din” naman ay ang kabaligtaran. Ito naman kapag ang salita bago ng “daw” at “din” ay katinig(consonant).
Halimbawa:
Natutulog daw ang kalabaw.
Ay bakla! Sayang, gwapo pa man din.
2. “didn’t”, “do”, “doesn’t” and the like
Tinatamad na ako i-explain. This falls on proper usage of verbs. Basahin niyo nalang ‘yung akda ni TrinieRomualde(lusot si emem, haha).
3. Wrong Gramming
Eto, lahat yata ng manunulat nasasapul nito. Wrong grammar po iyan ha. Kung gagamit po ng English language, uso magproof-read(‘wag kayo mag-alala, sinasabihan ko rin sarili ko habang sinusulat ito.)
Kung gagamit ng Filipino(Take note, Filipino. Filipino is our national language, not Tagalog. Tagalog is a dialect used as the basis of Filipino language.) uso magcheck ng grammatika.
4. “Ako nga pala si ….” fever
Gasgas na itong introduction. Kahit ako nagamit ‘din nito eh. Agree ako sa sinabi ni TrinieRomualde na ang mga ganitong introduction ay ang dating ay nagka-amnesia ang character at tila bigla na lang naalala ang pangalan niya…
Tsaka isa pa, dahil gasgas na, nakakawalang-ganang magbasa para sa iba. Kung gagamit ka man ng ganitong introduction, puwedeng lagyan ng creative twists para mas makapukaw ng attensyon ng readers. You can think of so many creative ways to start introducing the story to your reader’s imagination. The key is careful thinking.(No wonder, matatagal nagagawa ang magagandang kuwento)
5. Baklang Male POV(point of view)
Natawa ako dito. Maganda kasi tingnan sa isang istorya na may lalaking nagsasalita o nagkukwento. Maganda tingnan, mahirap gawin lalo na kung babae ang manunulat(aminin!). Nagbibigay balance kasi ito sa kuwento.
Sa ganitong sitwasyon, kailangang tingnan maiigi kung ang mga sinasabi ba ng lalaking character ay tunog lalaki. May lalaki bang nagsasabi ng “Charot!”, “Echos!”, “OMG!” o ‘di kaya’y “Ate! I’m so guy! Why are you making me so bading?”
Labo ko ba mag-explain? Basta ‘yun. ‘Wag ilagay ang pagkababae sa pananalita ng tauhang lalaki. ‘Yun lang ‘yun in simple terms.
Kung nahihirapan magsulat gamit ang POV ng lalaki, uso naman mag third person point of view.
Note: The first five are from TrinieRomualde. Kung sabog explanation, kasalanan ko na ‘yun. Sorry po. Hehe.
6. Illogical Set of Events
Sabihin na nating dito pumapasok ang kasamaan ng ugali ko. Alam ko pong malawak ang imahinasyon ng isang manunulat at maraming puwedeng maisip. Idagdag mo pa diyan na ang manunulat ang controller ng lahat ng nangyayari sa kuwento niya. Minsan lang, napapansin ko na OA na ang mga pangyayari o ‘di kaya’y out of this world na, as in. Ang sinasabi ng isip ko sa mga ganitong eksena:
“Nyek. Paano nangyari ‘yun?”
“Weh? Possible ba ‘yun?” or simply
“Weh? Parang ‘di naman bagay sa storya ang mga nangyayari?”
(‘Wag po kayo mag-alala, pinatatamaan ko rin ang sarili ko sa article na ito.)
Hindi na po ako magci-cite ng example. Ako mismo ay good example.
Bakit kasi ang cute ko!(Oh ‘di ba? Illogical na isama sa article pero nakalagay.)
7. OA sa yaman, OA sa everything
Utang na loob! Alam ko naman kasing interesting ‘yung clash na mahirap-mayaman lovers sa mga kuwento pero…para sa akin gasgas na ‘yang businessman’s son/daughter na busy-to-the-max ang parents sabay tagapagmana ang peg ng character. Tapos ‘yung ka love team niya hirap siya habulin kasi busyhan nga ang peg, mayaman kasi. Ala Romeo and Juliet tuloy sila pero nakokornihan na ako(Sorry po ha. Just my opinion).
Kung gagawa ng ganitong istorya, siguraduhing bawas ang mga cliché at dagdagan ng KAKAIBANG twist. Kung gagamit ng cliché, find a creative way to present it.(emem, present your story in a creative way! *telling to myself*)
8. Dahil OA sa yaman, hindi na ako makarelate at ang ibang readers
Pakibaba naman po sa level na makakarelate kaming mga poorita(hehehe) ang story niyo.
Tandaan na hindi lahat ng readers ay kaparehas ng buhay na nilalarawan mo sa kuwento. Kung ayaw niyong bawasan ang yaman ng mga character niyo, you can choose to write it in a way na mapapa-experience niyo mismo sa mga reader ang set up na nasa isip mo. Describe everything vividly katulad ng gold plated baso, kutsara’t tinidor. Describe how magnificent the hotel is; describe how enormous and grand the rich people’s ball is. Let your reader’s feel the emotions of your character. Let your reader’s live the world where your character belongs.
Teka paano ba gagawin ito?
Ikaw mismo as a writer, dapat feel mo sinusulat mo. Kunwari iyakan ang peg ng eksena mo, dapat ikaw mismo alam mo kung anong feeling ng naiiyak o umiiyak. Dapat ramdam mo rin ang emosyon sa mga tauhan mo. Internalize ika nga nila. Makakaya mo bang magpakilig habang ikaw ay nalulungkot? Hindi ‘di ba? Parang pakikipag-usap lang sa personal, hindi ka makakapagpasaya kung ikaw mismo ay hindi masaya(o hindi mukhang masaya). Kung wala sayo ang tamang emosyon, ay goodluck nalang .
9. No Connection Between the Chapters
Alam ko ‘yung ibang writers(including me) ay nawawalan na ng connection sa ibang parte o kabanata ng kanila kuwento. Sabihin na nating nawawala ang isang C, Coherence.
Sa isang essay kasi, you have a main idea. The main idea is supported by details. Kapag ang details ay medyo naligaw ng landas, naku ligaw na rin ang essay. The same thing goes for stories.
May mga story kasi na ‘dun sa last two chapters ay demure si girl, pagdating ng present chapter ay lande agad ang peg. Ako naman parang
“Huwaaat? Eto pa rin ba ang character na nakilala ko? O ibang istorya na ‘to?”
As the writer you have the freedom to change you character’s feelings, personality and point-of-view pero do it in a way na in connection padin sa theme ng story ang mga nangyayari.
10. Things Not in Contact With Reality
Alam ko na karamihan ng mga akda ay fiction pero I think importante parin ang contact with reality(contradicting huh?). Bakit? Contact with reality makes other people relate with your story. Kapag nakakarelate sila sa story mo, the more that they’ll be interested in reading your work.
Aminin! Kapag nakikita mo ang sarili mo o kahit part lang ng sarili mo sa isang story, mas trip mong basahin ‘di ba? O kaya naramdaman mong kikiligin ka at gusto mong kinikilig eh babasahin mo ‘yung story ‘di ba?
The same goes for other readers.
Hindi man makarelate ang ibang tao sa theme ng story mo, katulad ng story kong My Firsts With Him na patungkol sa Quiz Bee adventures at high school love, puwede mong singitan ng elements na papatok sa panlasa ng readers mo. In simple words, lagyan mo ng mga eksenang siguradong makakarelate na sila. ‘Di ba? ‘Di ba?
Hindi po ako magaling na manunulat. Galing-galingan lang po ito.
In short, KAPAL NG MUKHA. Sabay-sabay po tayong maghangad na umunlad pa bilang isang manunulat. Alam kong hindi ako nag-iisa sa lakad kong ito. May proseso ‘yata bago nagiging isang batikan at pinagpipitagang manunulat. Tayong mga “baby” pa ay kailangan munang dumaan sa mga palo ng mga nakatatandang mas may kaalaman at karanasan. ‘Wag iilag sa palo!(Tulad ng palo ni Mommy Joyce sa akin, hihi.)
Here’s the link to the article I’m talking about:
http://www.wattpad.com/story/791512-5-common-mistakes-of-wattpad-writers-let%27s-deal
Maraming salamat po kung umabot kayo hanggang dito.
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon
©Copyright 2012, Memealberts™ Blog. All rights reserved. Copying of any article in this blog is strictly prohibited without permission.


itsleemiyaki
Hello! Napadpad ako dito mula sa DF. Nagcomment ka kasi sa isang post ko ru’n. Haha. Sakto, I’m a wattpad reader/writer/walangkwentanguser. XD Wala lang. Natuwa lang ako sa article. XD
memealberts
Thank you po sa pagbabasa ^_^
I’m glad na natuwa po kayo